Welcome, yaw-yan.com currently is undergoing maintenance.
We are working on a better, more robust and interactive theme for the site. Thank you for your continued patronage.

Louie “Bahaghari” Mateo Joins Yaw-Yan ArDigma Makati

By chefroe at 23 January, 2008, 1:01 am

Pride of Kastriyan Baguio Yaw-Yan and Real Pinoy Fighter Louie Mateo joins Yaw-Yan ArDigma as Coach and Trainer. (update 02/28/2008) Read interview below


Brother Louie brings with him a lifetime of martial arts experience to Yaw-Yan ArDigma Makati. He will be conducting training to our students and bring a whole new level of Modern Reality training for men and women.

Here is our short interview with this wonderful person.

Yaw-yan.com: Tell us about yourself and coming from Baguio.

Bahaghari: I am Louisito “Louie D Dragon” Mateo from the beautiful rich bearing golds, fresh vegetables, water and strawberries high mountains of Benguet in the Cordillera Administrative Region. My city is the Summer Capital of the Philippines. Baguio City is the fresh pine smelling city cold, quite relaxing weather and beautiful scene spots to enjoy and to stay in.

Bahaghari: I am the eldest son of Mr. Roberto and Mrs. Lourdes Mateo. I live and breath my Martial Arts Profession…

Bahaghari: I first learned the traditional art of Karate before as brown belter, then met my Yaw-Yan professor Ike Amata in 1980, started my one-on-one training from him in Baguio City. Before, then I was a bell boy in the hotel Banawe Inn owned by the de Guias within the city but is no longer existing. At that time, Sir Ike Amata is a routine fight instructor in the movie PALOS-II Gated by Bernard Bonnin as the lead man also a Yaw-Yan member here the time when I met JC Bonnin or Juan Carlos Bonnin his son, me as his partner trainer that time. Sir Ike Amata is one of the best teacher and fighter I met in my Yaw-Yan Martial Arts carrier…

Bahaghari: I was in the field of Martial Arts since I was at 2nd year high school at age 13. I met the real combat, full contact martial arts in my Yaw-Yan skill it is since then my specialized martial arts discipline since we started Full-contact sports in Baguio City since 1981…

Bahaghari: I reign as the toughest and favoritely known as “the most feared kick boxer of Baguio” conquering my biggest opponent Sgt. Mark Williams (5′9″ / 160 pounds) against me (130 pounds) 1985 via decision, KO’d Totoy “Maso” of Bicol at BSU KO’d Bad Boy Cacido in University of Baguio and Randy Guindan both same club of Manila rematch again Cacido but did not able to beat me at 4 rounds in UB, and many more… If there is a chance, I will still fight if there is a very good opportunity.

Yaw-yan.com: Whats your fight record? Will you continue to fight?

Bahaghari: I have had many Fights to many to remember the amount..I will continue to fight as i mentioned on RPF live begins at 40!!!! Look at Randy Couture he’s better now then ever.

Yaw-yan.com: Whats your feeling about MMA?

Bahaghari: MMA is also a challenging sport because you must exert all types of Martial Arts Style to win. It is the future of Fighting in Sporting events, I enjoyed my time on RPF (Real Pinoy Fighter).

Yaw-yan.com: Whats your plans for the future?

Bahaghari: My future is to raise my training camp and produce a lot of champions.And Spread the word of Yaw-Yan

Yaw-yan.com: How do you feel about the new style Yaw-Yan ArDigma?

Bahaghari: Yaw-Yan ArDigma is Master Naps latest creation, it is a open hand Arnis Style,Which is very fast and exciting to watch..it has been very successful in the matches that the ArDigma boys have competed in.

Yaw-yan.com: Anything you like to share with our Yaw-Yan ArDigma website viewers?

Bahaghari: To our viewers as a Yaw-Yan practitioner, I invite you to join and experience the challenging course in learning the Yaw-Yan Martial Arts style as a unique introduce Filipino art of self-defense.

We welcome brother Louie as another great addition to the Yaw-Yan ArDigma team. This interview is a first on an upcoming series of interviews and features on local and international fighters.

Categories : Featured | Interviews

Comments
Unknown January 25, 2008

Wow! andyan na sa ardigma si bahaghari!

Bulls Eye February 29, 2008

Wow nag aral ka rin pala ng karate
ako gusto ko sanang mag-aral ng yaw-yan kaso wala kaming pera!
13 years old na rin ako noong nalaman ko ito!
Good Luck!

Ken of Yaw-Yan Musang February 29, 2008

More power to Yaw-Yan,sana makita naman dito namin sa cebu si sir Bahaghari na lumaban. Exciting panoorin rematch uli ni Sir louie at si Makata. God Bless you all, More power to Yaw-Yan and to all its Practitioners.

Ken of Yaw-Yan Musang February 29, 2008

by the way magkamukha si Sir Louie at saka si Sir Noble Ampoc, are they related?

Drew March 5, 2008

Balik Yawyan na uli si coach, magyawyan na lang din ako…hahahha!

lakay of yaw-yan (ardigma) March 17, 2008

musta na po si grandmaster?sir louie kayo na po pala ang bagong trainer.one time pasyal din ako dyan para mag balik traning din…

lakay of yaw-yan (ardigma) March 17, 2008

musta na po si grandmaster?sir louie kayo na po pala ang bagong trainer.one time pasyal din ako dyan para mag balik training din…

lakay of yaw-yan (ardigma) March 17, 2008

saan na po pala sila grandmaster?at mga instructors nya?

turboman1977 March 29, 2008

Kumusta all yaw-yan practitioners, sana nasa mabuti kayo.

cordero tommy April 5, 2008

sana ikalat nyo nmn ang yaw yan sa ibang parte ng pinas pra laganap sana may yaw yan sa bacolod pra d na me pmnta manila pra mg aral

Yaw-Yan Fans May 8, 2008

sir BAHAGHARI musta na po si MASTER NAP at yung mga ArDigma Fighters!

Wala na po ba sila dyan?!

Marky May 12, 2008

Kamusta na kaya kalagayan ni Maestro Nap?

burungkol May 13, 2008

bros. we all thought Master is recovering. GM Nap had his eyes rolled up for the 2nd time - im thinking it was a seizure of some sort.

he was rushed to the hospital, saturday 5/10/2008, immediately following the incident. he was released and sent back home the same day.

im still praying and keeping my hopes up.

if you would have the time, please do try and pay master a visit.

burungkol’s last blog post..Sagupaan ng Yaw-Yan 2007 Set1

jeeyy May 13, 2008

mga kuya ..tulungan po natin si GM Nap .. nandun po sya sa phase6. camarin caloocan city ..

ngayun po nya tayu kailangan ..

sana ay pasyalan nyo po sya doon ..

..

Roger June 2, 2008

sa lahat ng YawYan bisitahin naman nyo si Master, kailangan nya ng moral support. Noong dinalaw ko sya sinabi sa akin ng kontakin ko raw lahat ng YawYan upang bisitahin sya, lumalakas si GM Nap pag nakakakita sya ng mga YawYan brothers. Please naman puntahan natin sya.

Roger June 6, 2008

Bisitahin natin si Master nasa Phase 6, Camarin road Caloocan City lang sya, He need our support and prayer!

POLAR June 6, 2008

Gud pm sa lahat ..

estudyante po ako ni master..

pinapasabi po pala ni master na gustu nyang makita lahat ng estudyante nya gustu nya kayong’ makita ..pilitin nyu po na makapunta at makabisita kay master ..
gustung gustu nyang marinig ang boses nyo ..

POLAR June 6, 2008

uu yun na nga .. sa phase 6 ..

ryan pordable June 24, 2008

nawala na ba si master nap sa Yawyan ardigma makati kasi dumating na si bahaghari?

ryan pordable June 25, 2008

kung ganun, ang baduy. di na ako mag t-train sa makati kung wala si master at yung mga ardigma fighters

ryan pordable June 29, 2008

tanggalin nyo na ang yawyan ardigma sa mga karatula duon sa makati, palitan nyo na ng muay thai. para na rin di magkalituhan

Ralph June 29, 2008

Ang sabi sa akin ni sir henry kobayashi ibibili nya ng wheelchair si GM Nap. Let’s continue praying.

trixie June 30, 2008

di wag ka mag-training sa ardigma, kawalan mo yun…
bat ba ayaw mo kay sir louie? dahil nasa muay thai phil siya?

ryan pordable July 1, 2008

di talaga ako mag t train dun kung muay thai na ang itinuturo. nirerespeto ko si sir louie pero hangga’t nakapangalan sa YAW-YAN ang gym tapos ibang sinig sa pakikipagdigma naman ang itinuturo, dapat malaman nya na di nya nabibigyan ng tamang respeto ang YAW-YAN at si Grandmaster Nap. kaya nga na iminumungkahi ko na gawin na lang sa pangalan ng MUAY THAI PHIL ang gym at wag ng gamitin ang Yaw-Yan Ardigma.

trixie July 1, 2008

yawyan din naman si sir louie, although original yawyan curiculumn ang natutunan niya (wala pang ardigma noon), hindi naman cguro ibig sabihin muay thai ang ituturo niya. halimbawa si sir badong, nagtuturo rin yun sa Phil muay thai dati, pero pag nasa gym, yawyan ang tinuturo niya sa amin.

well I hope ganun rin si sir louie. pareho lang naman tayo na mataas ang respeto at pagpapahalaga sa yawyan.

pero kung hindi ganun, aba, dapat nga malaman ni master yan.

Gundam July 1, 2008

Tingin ko ha Muay Thai na tlga un. sa stance pa lng prang MT na, pti mga combination halos MT… Pero sana magkaisa n tayong mga Yaw-Yan

ryan pordable July 1, 2008

tama magkaisa tayong mga tunay na YAW-YAN. ang nakalagay na pamagat sa artikulong ito, “Louie “Bahaghari” Mateo Joins Yaw-Yan ArDigma Makati”, na malamang ay may basbas ni Chef, ngayong wala na si GRANDMASTER sa gym at pati na rin ang mga ardigma fighters, sino ang magtuturo ng ARDIGMA. sa palagay ko, hindi alam ni sir louie ang estilo at principle ng ARDIGMA. marami na ang nakakapagsabing muay thai na ang itinuturo dun. at ganun na nga ang aking mungkahi, na huwag na nilang dalhin ang YAW-YAN kung ang mas sinasanay nilang sining sa pakikipagdigma ay ang MUAY THAI.

salamat trixie at naunawaan mo ang ibig kong sabihin.

trixie July 2, 2008

hindi talaga alam ni sir louie ang ardigma, kahit kami sa texas hindi namin alam ang pambrasong istilo ng ardigma.
pare-pareho tayong nagmamahal sa sining natin. nag-aalala rin ako kung magiging muay thai nga ang sistema dyan sa ardigma.
maganda sigurong maiboses rin natin yan sa mga taong malapit kay master. para meron tayong ginawa kahit pano di ba.
regarding chefro naman, siguro hindi rin niya gugustuhin na maging muay thai ang yawyan ardigma. nagkataon lang siguro na wala ngayon ang mga bata ni master after niya ma-hospital kaya naiwan kay sir louie ang pagtuturo.

Ben Tambling July 2, 2008

Un nga siguro ang dahilan kung bkit na stroke si master kc nagiisip siya na ggwin ng Muay thai ang ardigma sa makati. Lagi siyang nagaalala sa mga kanyang mga bata at sa kanilang kinabukasan…. pero sana maitaguyod p ntin ang ardigma sa upang lalong umunlad. dahil unique ang ardigma s lahat ng sandata ng yawyan… Mabuhay ang YAWYAN!! Mabuhay si G. Master Nap!!

ryan pordable July 2, 2008

ayun sa balita, nawala si master pagdating ni sir louie. wala na si master nap sa gym bago pa sya atakihin. kung iisipin, paano nga ba napunta duon si sir louie? sino ang nagrekomenda? malamang may alam ang mga may-ari ng gym. pero gaano ba karami tayong mga nag aaral sa ardigma at kailangan pa natin ng isang instructor na wala namang sapat na kaalaman sa ardigma? alam ba ni master ang pagdating si sir louie? bakit umalis si master nap?

trixie July 3, 2008

nakakapag-isip naman yan… nakakatakot rin para sa future ng ardigma.
anyway, open naman ang iba pang gym ng yawyan sa lahat ng yawyan students. pwede pa rin kayo magpraktis sa ibang gym kung ayaw niyo sa makati. pwede kayo sa pasay kung gusto niyo. pero unique ang ardigma, ang laro kase sa pasay ay original curiculumn din ng yawyan. ito yung yawyan sa panahon nila sir zapata.

ryan pordable July 3, 2008

ok pa rin naman yung original curriculum ng yawyan at ok din yung ardigma. basta sana patuloy nating tangkilikin ang sariling atin. yung iba jan kasi nuong gumaling sa yawyan, pinakinabangan na sila ng muay thai. na pati yung mga nilikha ni master, ibinabahagi nila dun. ang nangyayari ngayon sila ang nabibigyan ng credit hindi ang yawyan, hindi si master. malungkot.

trixie July 4, 2008

Totoo yan. yung iba pa nga basta na lang nagtatayo ng gym na hindi nagpapaalam kay master.

ryan pordable July 4, 2008

siguro trixie, matagal ka na sa yaw-yan. ilang taon ka sa yawyan? sana mag karoon ng gathering ang buong yawyan para mapatibay natin ang samahan

trixie July 7, 2008

mahigit 10years na ko sa yawyan. pero matagal ako tumigil, as in matagal talaga. kaya ngayon, gustuhin ko mang maglaro sa ibabaw ng ring, hindi na kaya physically. pero ngpapraktis pa ko sa gym.

sana nga bro, magkaroon ng kaayusan sa organizational structure ng yawyan at magkaroon ng kaisahan kung pano natin mape-preserve ang ating identity. ayokong isipin na mauuwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan ni master.

Ben Tambling July 7, 2008

ang pagkakaalam ko ay nandun p si master sa gym noong dumating si sir louie.. ngunit ndi nagpapansinan ang dalawa. after noong araw n un ay biglang nagsialisan cla master at ang kanyang mga bata. at isang linggo ang lumipas ay si sir louie n ang nagtuturo. sbi p s akin ng isa s mga estudyante s ardimga na daming nabagong patakaran.. kailangan daw mag sapatos pa pra lng magpraktis. pinagbabawal pa cla mag bagging.. mki2ta mo tlga ang kaibahan ng turo ni sir louie at master. si sir louie physical fitness lng at si master nmn ay hardcore training..

trixie July 8, 2008

ano? bat magsasapatos sa training? at bakit bawal mag-bagging? ano ba naman yan, bakit papawis na lang ang training sa ardigma.

tawagin nyo na lang akong... July 8, 2008

ako ay nkapagtraining sa ilalim ni master/ardigma boys at sa sa pagtuturo rn ng coach louie.
nais ko lng magbigay ng paglilinaw sa 3 bagay na nabangit:

una… sa tingin ko ay HINDI nagabot si master at coach louie. dhil may isang hapon(3-5 ako non nageensayo) na pagdating ko ay wla daw ensayo dhil wlang magtuturo. wla na si master at ang ardigma boys sa gym at yng bagong magtutro ay parating pa lng gling baguio(turned out nga si bahaghari). kya nung hapon na yn dhil nga sa wlang instructor, ay nagpaalam at pinayagan nmm ako na mag self training

pangalawa… yng dpat nkasapatos. nung isang bwan ko sa under sa pagtuturo ni coach louie ay hnd nmn sa dapat ay nka sapatos. pro prti nyang cnsbi na kng gsto nmn ay mag sapatos na lng kmi dhil sa masyadong madumi/maalikabok yng sahig.at eto nmn ay kraniwan na during warm up exercises lng(which sa kanya involves running na). ako personaly bilang nasanay sa ardigma boys, ay nagsasapatos lamang ako during warm ups pro tnatangal ko kpag ensayo na tlga.

pangatlo… yng sa bawal mag bagging. nung umpisa ko under kay coach louie ay pnagbawalan ako na sumipa sa bag. snay na snay ksi ako sumipa dn sa mga bag kpag break at yn nga pnagbawalan ako. pro pagkatapos nmn namin mapagaralan ang mga suntok at sipa ay hnd lmang ako pnayagan kundi tlgang invole pa ang bags sa mga routines. pro kay coach louie gusto nyang nkasuot ka ng gloves bago ka mag bagging.

mrmi pa sana akong sasabihin, ibabahagi (mga saloobin/pananaw) pro sa susunod na lang, nagbibgay linaw lmang ako sa mga nabangit sa itaas

pro trixie tma ka, yan dn ang kinakatakot ko, na ang yawyan sa makati ay naging ‘papawis’ na lang at na hnd na ‘tunay na yaw yan’ ang tinuturo dn.

ryan pordable July 9, 2008

sa iba ko ngang naririnig “hindi na yaw yan ang itinuturo duon”. sana kung ganun ang talagang nangyayari duon, wag nang magtraining ang mga yaw yan practitioner sa makati. marami pang TOTOONG YAW-YAN GYMS dito sa maynila. wag na nating tangkilikin ang mga mayroong hilaw na paniniwala sa YawYan.

trixie July 9, 2008

medyo malinaw ang post sa itaas.. sana nga yung mga pagbabago ay para sa ikagaganda pa rin ng training. at sana yawyan pa rin ang laro.
ito ang laro natin.. ito ang sining natin.. bahagi ng buhay natin, ng ating kultura, at ng ating dignidad bilang Pilipino na may sariling sining ng pakikipaglaban. ito ang ating Sayaw ng Kamatayan.
Sanay di maglaho…
Tayo ang magtutuloy nito. Ang mga tapat sa ating sariling sining.
Mabuhay ang YawYan!

Ben Tambling July 9, 2008

For clarification lang.. Mismong isa sa mga estudyante ng ardigma ang nagsbi s akin mismo na nandoon mismo si sir louie habang ndi pa umaalis si master. Gabi un ng Monday. That night monday, nagbalot ang mga ardigma at si master. Nagpamana p nga daw si master ng kanyang mga gamit s mga estudyante nya na nagpraktis sa gabing un. Ndi nila malaman s kaanong kadahilanan. Next day nagpraktis ako ng gabi at wala na daw si master at ang kanyang mga bata. Meaning umuwi lng si sir louie ng baguio upang kunin ang kanyang mga gamit at bblik siya next week pra siya n mismo ang magturo sa makati.

Medyo sumakit lng ang aking loob na isa pa man din siyang disipulo ng yawyan tpos aagawan nya ng pwesto ang mismong orginitor ng yawyan. Ska marami na ring mga estudyante ng Ardigma ang hindi na halos nageensau sa makati dahil s mga patakaran na hindi nila gusto. Ang pagkakaalam ko ay tinaggal n rin ang lifetime sa Makati which in fact eh halos lahat ng yawyan ay nagoofer nito. Sa tingin ko ang gym s makati ay pra lamang s gustong magpawis o mag shadow boxing dahil madalas ay wala nmng instructor doon. Hindi na ramdam ang Yaw-Yan sa makati. Isa pa sa mga mali doon ay nakita na nila ang kanilang pagkakamali ay hindi pa bumaba sa pwesto at ibalik kay master ang pagtuturo sa makati or bigyan siya ng financial support dahil sa kalagayan niya ngaun. Sana maayos na ang ganitong mga pagdikakaunawaan pero sayang lang ang mga pinaghirapan ni Master dahil mismo mga seniors pa ang tumitiwalag sa Yaw-Yan.

tawagin nyo na lang akong... July 9, 2008

ako man ay naghahanap ng bagong mapapagensayuhan ng tunay na yawyan. sana nga ay hng magkaproblema dhil ako nmn ay lifetime member na sa makati. yah, alam ko dn na hnd na sa makati nageensayo ang mga dating nakakasabay ko doon nung nandon pa si master.
saan na kaya nageensayo ngyn ang mga lifetime members ng makati?

Ususero July 9, 2008

bro matanong ko lng, ano nickname mo s ardigma? Isa ako sa mga madalas magpraktis sa gabi hehe.. kmsta ka na?..

trixie July 10, 2008

dati nang monthly ang bayaran sa makati. kaya nga di ako natuloy dun. nung mapunta dun si master(from ardigma bulacan), nagkaroon dun ng lifetime membership gaya ng lahat ng yawyan gym. pero ngayon balik sa dati? malamang nga wala ng kontrol dun si master o inalisan na siya ng karapatan.
Mga bro, ang alam ko open ang lahat ng gym ng yawyan sa lahat ng lifetime member basta fully paid ka na. o kung me konti pang kulang pwede na siguro pag-usapan. try niyo sa yawyan pasay, yun ang kilala kong gym na mula noon ay open sa lahat. marami na kong kilala from yawyan cebu, yawyan kalibo, yawyan ardigma, yawyan evolution atpb na dun nage-ensayo dun.
matagal nang tatak ng yawyan ang pwede mag-ensayo sa kahit saang gym dahil nga hindi negosyo ang ating sining. sana hindi ito mawala.

ryan pordable July 10, 2008

siguro, magandang ipost dito yung mga ibat-ibang Yaw-Yan gyms (kasama ang address at contact #) dito sa manila na may head instructor na TOTOONG YAW-YAN at hindi isang kru o muay thai practitioner nang sa ganun ay yung mga naliligaw na estudyante dyan sa makati gym ay may mapupuntahan at maipagpapatuloy ang kanilang ensayo ito man ay isang papawis o isang matinding ensayo.

sa atin, hindi lang ang tatak sa braso o sa dibdib ang basehan ng pagiging TOTOONG YAW-YAN, basehan rin ang pagiging tapat o loyal sa grupo na syang isa sa mga paraan ng pagpapakita ng respeto at pagmamahal sa mga tumataguyod nito. ang pagpapatuloy ng sining na nilikha ni GM Nap ay isang kulturang naka-ugat na sa bawat puso ng TUNAY NA YAW-YAN, higit pa sa paso sa dibdib o braso!

tawagin nyo na lang akong... July 11, 2008

alam ko nga kramihan sa lifetime members ng makati noon ay mron na nung tatak sa dibdib. ako ay wla pa noon dhil late last year lang ako naging lifetime member sa makati. though nandon ako nung christmas party at nasaksihan ang pag gawad nito.
yn nga ang iniisip ko kng pano ako at yng kasama ko dn sa lifetime membership for 2 mpapatunayan na ako ay lifetime member na sa makati. ang mrn lng ako ay ang resibo nang aking binayaran. wla na rn nmn si master at ardigma boys sa makati na makakatanda pa sa amin.

contact info:
yaw yan pasay: http://yawyanpasay.blogspot.com/
yaw yan cubao: http://ph.88db.com/ph/Services/Post_Detail.page/sports_and_fitness/gym_fitness_center/?PostID=138836
(ako ay tga paranaque kya ang hnhnap ko sna tlga yng malapit, mdyo bandang south. mrn ba paranaque area? ty)

trixie July 11, 2008

nasa wish ko lang daw si master nap sa sabado 4pm. panoorin niyo mga bro. praktis tayo sa linggo ng hapon sa pasay gym.

ryan pordable July 11, 2008

talaga?! uy ayos. wish ko lang, sabado, 4pm channel 7. nuod tayo mga kapatid!!

polar July 12, 2008

opo nsa wish ko lang nga .. sana tulungan natin si master..

trixie July 14, 2008

nakakaawa naman si master dun sa wish ko lang. buti na lang kahit papano hindi siya iniiwan ng mga bata nyang ardigma. sana pwera dun sa na-raise nating fund nung atakehin si master ay makapag-produce pa uli tayo para sa maintenance niya.

mga bro, alam kong welcome kayo sa yawyan pasay. pasyal lang kayo dun.

tawagin nyo na lang akong... July 14, 2008

tanong lang po…
ano po ba ang style nang pagtutro sa pasay?
and magkano ang babayaran ko? (member na po ako sa makati)
at iniisip ko dn, pno ko maeestablish ang identity ko? sbhn ko lng na miyembro ako sa makati?

tnx

trixie July 15, 2008

ang training sa pasay ay gaya rin siguro sa ardigma. mula sa basic den advnce o yung paggamity sa kumbinasyon, den yung training ng perfection at speed sa paramihan ng paulit-ulit na sipa, suntok, siko o tuhod. kung paano rin cguro ngtuturo ng atake at counter-attack sa ibang gym. plus sempre ang sparring.
ang alam ko kasi, yung mga yawyan dun na galing sa ibang gym hindi na nagbabayad. yung iba dun na galing probinsiya dun na nakatira sa gym. basta try nyo kausapin si sir saladin.
regarding sa isyu sa ardigma, sana maayos agad. sana nga mag-comment d2 si chefro. gusto natin lahat na lumaganap ang yawyan at gusto nating dumami pa ang chapters natin. sana ma-resolve agad ang isyu.

ryan pordable July 15, 2008

hindi na ako babalik sa makati hanggat hindi bumabalik si master nap duon. lalong lalo na pag muay thai ang turo dun. dun ako sa sariling atin. meron bang yawyan sa cainta o malapit dun.?

trixie July 16, 2008

ewan kung meron pa rin sa antipolo.
mga bro, nasa ospital uli si master, 6th day na ngayun. manila sanitarium yata yun, sa taft. di na ko nakadaan dun kagabi, late na kasi masyado. kung me time kayo dalawin natin siya, at kahit konting financial support mag-abot na rin tayo dun.

Jomari July 16, 2008

Malalakas nga fighter ng pasay pero problema ang tatamad magturo, sayang bayad ko dun. Hindi sa pangaasar, sna nmn pagalitan minsan ung ibang instructor doon kc nasasayang ung oras s pagpunta na walang instructor ang magtuturo sa iyo, meron nga pero nakaupo lng sa isang tabi. Yaw-Yan ako pero nadismaya lng tlga ako kaya ako pumasok sa Kyokushin Philippines.

ryan pordable July 16, 2008

naku, napakalungkot naman ng kwento mong yan, jomari. kung totoo man yan, dapat malaman ng head instructor ng yawyan pasay iyan. sana ipinarating mo muna sa head nila yan bago ka lumipat sa karate.

tawagin nyo na lang akong... July 16, 2008

Ryan: san ka na nageensayo ngyn? yng iba nating mga kasamahan dti sa makati, san na naglipatan?

Jomari: panong sayang/tamad magturo? balak ko pa nmn sna na sa pasay mag ensayo. ako ang kinaayawan ko sa makati, naging puro ‘exercises’ na ang gngwa. yng mga stretching, etc. tska shadow. yng skills/technique ng yaw yan halos wla ng oras. yn dn ba ang problema sa pasay?

Sana nga ay maayos nila yng gym sa makati. ako yn lng ang option ko dhil yn lng ang malapit/accesible sa akin. at ang gsto kong pagaralan tlga ay yaw yan; hnd muay thai o ano pa.

Ususero July 16, 2008

Twagin nyo n lng akong.. ano pangalan mo s makati.. taga makati din ako.. pero ndi n ako nagsasanay sa makati. bka kilala kita

Jomari July 16, 2008

Na dismaya ako s pasay dahil la tlga nagtuturo.. una ok ok pa eh, pero noong tumagal wala na nagtuturo s akin. kanya kanya na. sariling exercise mo at sriling ensayo din. minsan tuturuan ka pero 1 oras lng ung training tpos bahala ka na. Kaya nalungkot ako, iba tlga ung kay master kaya lng hindi na ata pwdeng magturo si master. Kaya niyaya ako ng kaibigan kung Kyokushin na pumasok na lang sa kanila. Pero pra sa akin iba tlga ang Yaw-Yan pero kung walang maayos na mapageensayuhan tlgang napilitan akong mag kyokushin.

ryan pordable July 16, 2008

ako naghahanap pa rin ng ibang yaw-yan gym na mapag-eensayuhan. sabi naman ni jomari hindi maayos sa pasay. tapos parang wala namang yawyan dito malapit sa cainta. baka bukas bibisita ako kay master at sa kanya ko na lang itatanong kung saan meron pang yaw-yan gym (na may maayos na turo) dito sa manila. tapos, ipost ko dito kung saan man iyon, para samasama tayo ulit.

trixie July 17, 2008

Jomari: anong oras ka nage-ensayo sa pasay? kahit ba marami kayong nandun wala pa rin nagtuturo? maganda sanang mai-voice out natin yan brother. sayang naman kase kung sa karate ka maglalaro.
Try mo pa rin maglaro bago mag-august. sumabay ka sa training na preparatory sa aug.17 tournament natin.

guilbert "Simaron" Diaz July 17, 2008

mga bro. isa ako sa mga pinoneer ng Yaw-Yan Ardigma na nagtrain ako mismo under kay Master sa Yaw-Yan Ardigma Camp sa Bulacan. sino ba ang mga tao sa Pasay na nameet mo at sabi mo walang nagtuturo sayo? gusto mo ako kakausap sa kanila para itrain ka nila ng formal ito number ko itext mko at baka matulungan kita 09052205318

pero dun sa nagtanong na tiga cainta meron sa cubao na Yaw-Yan hybrid na nadadaan ng jeep na galing ng junction yun na pinakamalapit na jeep ang alam ko na pwede mo matrainan

mga kapatid. ang traning sa pasay ay ang dating curriculum. old school yaw-yan pa din doon. ang pageensayo ng ardigma ay iba. bawat isang gym, magkakaiba ng pageensayo, pero iisa ng pinagaaralan.

sa sinasabi mong tamad magturo ang instructor sa pasay, ganito ang nangyayari sa 2 oras na ensayo:

ang unang oras, tuturuan kayo ng technique, drills, combinations.
ang pangalawang oras, ay oras ng estudyante. papraktisin ninyo ang itinuro sa inyo ng unang oras para maisaulo ninyo.

bon bautista aka burungkol’s last blog post..URCC 12 Results

trixie July 18, 2008

minsan kasi bon, kung isa o dalawa lang estudyante, lalo na kung mga datihan na sila, kanya-kanya na lang praktis. pero kung baguhan ang estudyante dun, kahit mag-isa lang siya dumating, tinuturuan ng basics. hindi ko lang alam kung laging ganun sa pasay kasi bihira ako mag-ensayo. ngayong tag-ulan kasi konti nage-ensayo na estudyante.
Pero maganda siguro bon, total close kayo ni sir saladin, paki-banggit na rin.
nakaka-usap mo naman yun kahit nasa ibang bansa ka di ba.. =)

uy… chikka yan kapatid na trixie ha. :D

totoo yon. kung datihan na ang miyembro, kadalasan noon ay kanya kanyang praktis talaga.

kung baguhan lang at nagiisa siyang dumating, tinuturuan kadalasan ng basics. minsan naman kung walang magtuturo, pwede pa din siya magensayo ng sarili nya. minsan pag may senior, pwede naman ninyo lapitan at magpaturo kayo. sa ganung paraan din naman natuto ang mga iyon.

huwag kayo mahiyang magtanong. iisang pamilya lang tayo. diba trix? =P

bon bautista aka burungkol’s last blog post..URCC 12 Results

trixie July 18, 2008

oo, tama ka dyan bon. ako dati nung bago ako at nag-iisa lang ako, inuulit-ulit ko lang yung mga itinuro sa akin, pag me mali sa ginagawa ko, itinutuwid yun ng senior dun na nakakakita sa akin. kahit hanggang ngayon.
kung me kasama naman ako, aayain ko siyang partner, kukuha ako ng arnis o kutsilyo tas papaturo ako ng combat sa isang senior dun.
o kung marunong ka na ng bigayan/palitan pwede kayo mag-light spar. =)

sumasangayon ako dyan trixie. nasa tao iyon. walang mahusay na rason kung baket ka hindi makakapagensayo. maraming paraan.

minsan kase ganon tayo. naghahanap na lang ng pagpapasahan o ng taong masisisi sa ating mga sitwasyon sa buhay. wag naten isisi sa mga instructors o sa gym. maraming paraan. may mga seniors, may mga kasamahan sa gym. may mga gamit. may mga itinuturo naman, kailangan lang na ensayuhin, kabisaduhin, at praktisin ng paulet ulet. kase dun ka gagaling.

pagkukusa lang minsan ang kailangan para umasenso.

bon bautista aka burungkol’s last blog post..URCC 12 Results

yawyan diehard July 23, 2008

sir hindi naman yata tama ang katwiran na nasa tao yan.. in a way oo tama din.. pero para pabayaan mo na sa tao agad ang pagaaral ng yawyan, e di sana nag self study na lang ang lahat.. wag sana ma offend mga nasa pasay pero very weak ang system jan.. ganado lang magturo sa first or second training mo. o kaya pag bago ang palaro ng pasay pagtapos nun wala na naman…. from experience first day ko tinuro ang exercises kinabukasan wala na bahala ka na… hindi po lahat ng tao fast learner para matutunan agad at makibasado yun…

yawyan diehard July 23, 2008

minsan nagtuturuan pa ang mga instructor kung sino magtuturo at kung sino mag papad.. kanya kanya talaga ang sistema.. pero pag si sir badong naman ang may hawak in fairness to pasay maganda sistema pag si sir badong….. sana po kahit sa turo man lang bumawi ang pasay. kasi sa facilities at hygiene pagdating sa gym e walang wala na…..

bon bautista July 24, 2008

boss diehard, oo, si sir badong ang isa sa pinakamahusay at maganda magturo sa pasay. pag sabado linggo, si sir saladin, mahusay din magturo. ganon doon kahit dati pa. tama ka na kanya kanyang sistema nga.

tama yung sa facilities at sa hygiene. ang programa ng pasay gym ang may pagka-grass roots. mas matino pa nga ngayon yan, kaysa noong nasa libertad palengke pa kame. sana ay naabutan mo ang gym noon, kase kahit lahat ng mga seniors, namimiss ang gym sa palengke.

isa ito sa natatandaan ko na paguusap namin ni master. ang yaw-yan, kanya kanyang technique, depende sa tao. ang ardigma ay may sinusunod na lista ng mga technique.

bon bautista’s last blog post..GM NAP on GMA7 Wish ko Lang

trixie July 24, 2008

mas gusto ko rin ang gym sa libertad dati. napag-usapan namin kagabi ni sir saladin ang tungkol sa pagtuturo. payo ko sa mga estudyante, patuloy lang kayong mag-ensayo, dumating kayo sa oras ng ensayo, at kung me problema sa pagtuturo banggitin nyo kay sir saladin.
Hindi naman siguro lalakas ang mga fighters ng pasay kung pangit ang sistema. Me kanya-kanya lang talaga sigurong sistema bawat gym. Ang pasay gym pa rin ang isa sa pinaka-solid ang hanggang sa ngayon. sa tagal at sa dami rin problemang kinaharap nito, hanggang ngayon ay matatag siya.
Kagabi naging dalawang session ang training ng panggabi dahil nag-adjust sa oras ng estudyante ang instruktor. Maraming estudyante ngayon sa pasay.

God Bless po sa lahat!

bon bautista July 25, 2008

sang ayon ako dyan kapatid na trixie. sa mga estudyante, lapitan ninyo si sir saladin kung may mga issue. mabait naman si sir saladin sobra. kaya walang magiging problema doon. kaysa dito naten sa internet pinagtatalunan, sana sa gym pa lang, maresolba na agad ang issue. madali naman maayos yan, konting paguusap lang.

salamat trixie! galingan nyo para sa darating na tournament! penge akong mga litrato ilagay naten sa blog naten. kamusta sa lahat!

bon bautista’s last blog post..GM NAP on GMA7 Wish ko Lang

Leave a comment